Nest Paskong Pinoy 2009: Paskong-Pasko talaga!
Puno ng kagalakang ipinagdiwang ng Nest ang pagsapit ng Kapaskuhan sa Word Community Church sa Lungsod ng Pasig noong ika-18 ng Disyembre 18 sa pamamagitan ng isang pagtatanghal ng mga sayaw at mga awiting sariling atin. Ang NEST Paskong Pinoy 2009 ay dinaluhan hindi lamang ng mga mag-aaral at guro ng Nest kundi ng mga magulang, kapatid, at iba pang kapamilya ng mga mag-aaral.
Ang Pre-School ay nagtanghal ng mga katutubong sayaw katulad ng Bulaklakan, Singkil, Tinikling, Maglalatik, at Pandanggo sa Ilaw.

Bulaklakan ng Sparrows at Mockingbirds

Singkil ng Blue Jays

Tinikling ng Robins

Maglalatik ng Vertical Class

Pandanggo sa Ilaw ng Cardinals
Ang mga mag-aaral ng Grade School ay sumayaw at umawit ng mga kantang mula sa Halina, Immanuel na isinulat ni G. Arnel de Pano. Kabilang dito ang mga awiting “Paskong-Pasko Na Talaga” at “Pasko Na Naman.” Gumanap na munting Maria at Jose sina Zoe Gutierrez at Gelo Yanga habang umawit si Bella Ante bilang Maria at si Dylan Palima bilang Jose.

NEST Grade Schoolers

Dama ng bawat isa ang diwa ng Pasko, at lubos ang pasasalamat sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap ng marami sa taong 2009.
Makikita ang iba pang larawang kuha sa Nest Paskong Pinoy 2009 dito.
CHRISTMAS in Australia
Jingle Bells
(http://www.ulladulla.info/xmas/jinglebells.html)
OH, JINGLE BELLS, JINGLE BELLS
JINGLE ALL THE WAY
CHRISTMAS IN AUSTRALIA
ON A SCORCHING SUMMER’S DAY
JINGLE BELLS, JINGLE BELLS
CHRISTMAS TIME IS BEAUT
OH WHAT FUN IT IS TO RIDE
IN A RUSTY HOLDEN UTE
This is the Australian version of Jingle Bells! The graders sang it last October in the Grade1-Maya room designated as Australia (during the United Nations week, each homeroom represented a particular continent. Holding their passports, the kids toured around each “continent”).
And as they sang such version of Jingle Bells, the kids learned that in Australia, December falls in SUMMER, and so their Christmas is in Summer!
The Grade1 kids, being the hosts in their homeroom, wore swimsuits or summer clothes to also illustrate the Australian tradition of going to the beaches on Christmas Day; and their traditional clothes.
So in reality, it IS Summer TODAY in Australia, also called The Land Down Under.
It is because it is in the Southern hemisphere. This means that it is below the equator, so that while it is cool in places above it, it is the opposite below.
But before all else, everyone who entered “Australia” had to stay standing and sang the Australian National Anthem (http://www.youtube.com/watch?v=B57QEEl97po&feature=related) as they faced the flag.
Australia, with a population of about 20 million people as of 2008 (Philippine population was about 90 million as of the same year), is surrounded by waters. In the photo that follows, the blue cellophanes that surrounded the map represented the oceans, including the Great Barrier Reef which had the fish and corals drawn by the kids at Art class with Teacher Grace (OUR THANKS to her for making the big kangaroo that we placed outside our door as our welcome symbol for Australia!).
“Hi I’m Kangaroo!” said the Grade 1 representatives to the other graders in their respective groups, as they wore the puppet kangaroo.
They continued: “I have a baby in my pouch, and that makes me a marsupial. I have other friends in Australia. I can tell you their names but you have to find them as you put together the puzzles!”
The puppet show continued: “Did you find me? I am Tasmanian Devil”;
“Im Koala.”
Aside from these animals, the platypus, and kookaburra are also found in the continent. Click this link to view the laughing kookaburra.
The most awaited part of the program was learning about (and TASTING) the continent’s food! Our grade 1 hosts served bread with jam topped with all-purpose cream which looked similar to the Australian scones…

(from http://www.essentially-england.com/images/scones_and_jam_2.jpg)
…and milk, which was a sure hit!
Anchor milk is an original product of New Zealand, which belongs to a bigger region with Australia. (For sharing purposes, however, we served Bear Brand milk with sugar and a lot of ice).
The remaining minutes were spent doing postcards / Christmas cards for their homeroom advisers. They wrote about the things they learned about Australia, and to say “MERRY CHRISTMAS FROM AUSTRALIA!”
Here are more photos:
Kids made their own boomerang, which is now famous as a toy. The natives or Aborigines used this as a weapon.
Famous places in Australia include the Sydney Opera House, Harbor Bridge, the Blue Mountains:
Even more photos when you click here!
Children’s Sexuality
Nest Grade School had their Parent Educational Seminar last Nov. 21, 2009, with the catchy title “Let’s talk About Sex, Baby…”. The seminar started with Mommy Earnest Zabala (Veda’s Mom) sharing her experience on how they explained the controversial topic to their child. She shared when Veda started to ask simple questions, which eventually progressed to more complex questions that requires more explanation. Mommy Ernest shared the book , First Comes Love, which helped her explain about sex.

Mommy Earnest Zabala shares her experiences

After the lecture, parents were encouraged to asks questions. It was a fruitful morning for everybody. The parents were very open in asking questions, which were all answered very well by our expert speaker, Dr. Lilian Juadiong.
Isda sa Lata
Kilala ang Rehiyon 9 at 10 ng Mindanao, tulad ng Bisayas, sa paggawa ng mga delatang isda. Ito ay dahil na din sa biyayang umaapaw na isda sa mga karagatang nakapaligid dito.

Apat na putahe para sa tanghalian
Noong ika-25 ng Nobyembre, napagpasyang magluluto ng sariling tanghalian ang Ikaapat na Baitang – Loro ng mga simpleng ulam na gamit ang mga delata. Naghanda ang tig-dalawang kasaping grupo. Ang unang grupo (Bea at Daryl) ay naggisa ng delatang tuna. Ang ikalawang grupo (Nico at Mary) ay gumawa ng sardines omelet. Ang ikatlong grupo (AR at Bella) naman ay nagpatuyo ng mackerel na may kamatis, sibuayas at bawang. Naging napakadali ng paghahanda at pagluluto ng tatlong putahe at pinagsaluhan ng buong klase ang kanilang iniluto noong tanghalian. Sarap!

Kayangkaya ng Loro
Para sa iba pang larawan, pumunta sa nestmakabayan.multiply.com
Have you seen this movie?
I am referring to the movie Slumdog Millionaire, the film that won a number of Academy Awards in 2009 including Best Picture.
In the said movie, protagonist Jamal was a contestant on the Indian version of Who Wants to Be a Millionaire. Although from the slums, he won millions as he knew the answers to most questions because of experience –the things that happened in his own life; and exercised good judgement in other questions, as probably, I guess, he recognized some pattern.
But NO, our graders did not watch the movie at school. It just hit me that the movie may be related to learning Math through experience (experiential learning, that is), which is so aligned with the progressive philosophy.
We help kids experience Math in the things that happen around them.
Following are examples of their individual works done INSIDE the classroom:
ON PALARONG PINOY:
ON TYPHOONS ONDOY AND PEPENG:
ON SEM BREAK/VACATION:
Learning about rocks at the UP-NIGS Geology Museum
Every Thursday at 1 to 2 PM, Loro and Kalaw have their Science Lab. Last November 19, in lieu of lab, they went on a trip to the University of the Philippines-National Institute of Geological Sciences (UP-NIGS) Geology Museum where Teacher Adrian, a graduate student of micropaleontology at NIGS, told them about rocks and fossils.
Loro and Kalaw got to see and touch actual samples of igneous, sedimentary, and metamorphic rocks found in the Philippines as well as learned about fossils.
Click here for more pictures of Loro and Kalaw’s rock trip at the Geology Museum.
Mga Larong Pinoy
Noong Setyembre 25, naganap ang pinakahihintay na Nest Palarong Pinoy ‘09.
Heto ang mga larong aming pinaglabanan ngunit labis na saya ang aming nadama.
1. Araw o Gabi
2. Bato, bato, pik!



3. Larong Goma

4. Karera ng Gulong

5. Magtanim ay ‘Di Biro

galaw magsasaka
6. Kadangkadang

kailangan ng tamang balanse
7. Karera ng Bilao

Dali! Dali! Dali!
8. Agawan ng Panyo

9. Hilahan ng Dahon ng Niyog

10. Cheering Competition



Nest Palarong Pinoy ‘09
Ginanap noong ika-25 ng Setyembre ang pinakahihintay ng lahat ng bata – ang Palarong Pinoy!

- ang paghihintay
Naghanda ang lahat – Preschool at Grade School sa lahat ng mga laro. Nag-ensayo nang mabuti at nag-isip ng magagandang istratehiya sa bawat laro.

ang paghahanda

paggalang bilang isang Pilipino
Dahil pinahahalagahan ng Nest ang pisikal na galing at ang pagiging Pilipino, taun-taon ay naghahanda ang lahat upang ipakita ang kanilang galing sa mga larong sariling atin. Nagsasama-sama ang mga Preschool at Grade School upang makabuo ng apat na kupunan – ang Bughaw, Dilaw, Luntian at Pula.

ang pagtitipon
Nais pahalagahan ng Nest Palarong Pinoy ang galing ng bawat-isa , ang pagiging patas, ang pakikipagkaibigan, ang pagtanggap ng pagkatalo at ang pagiging mapagkumbaba sa tagumpay.

Oath of Sportsmanship
Nararanasan ng bawat kupunan ang magtagumpay at mabigo sa mga larong kanilang nasalihan. Ngunit ang mahalaga ay ang makasali ang bawat-isa sa mga laro at masiyahan sa mga ito.

At tulad ng lahat ng paligsahan, may nananalo at may natatalo.

ang mga nagwagi
Mabuhay ang DILAW!!!

Nest Teachers and Staff
Nakakapagod man, labis na kasiyahan din ng mga guro at staff ng Nest na makita na ang lahat ay masaya. Kita-kita ulit tayo sa susunod na Palaro.
Ang Nest ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng magulang sa kanilang ibinigay na mga papremyo sa mga bata. Ang lahat ay nakatanggap ng premyo, manalo man o matalo, dahil sa inyo. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta.
Ang Paghahanda ng Pula
“Pula! Pula! Pula!”, ang sigaw ng pangkat PULA nang sila ay nagkitakita isang araw bago ang Palarong Pinoy.
Binubuo ang pangkat Pula ng mga bata mula Kalaw (Ikalimang Baitang) hanggang sa pinakabata na mga Sparrows (Toddlers). Sa kanilang unang pagsasama, binati nila nang paisa-isa ang bawat kasapi ng magandang umaga. Pagkatapos ay nag-ensayo agad ng mga laro na kasali ang mga preschool at mga larong pang-buong pangkat. Inisip nila ang estratehiya na maaaring gawin sa mga laro tulad ng paghihiwalay ng pangkat sa larong Araw o Gabi, at ang pagsunod sa kanilang lider na si Kuya Luito sa Bato, Bato, Pik. Pagkatapos ng ensayo, pinili na nila kung sinu-sino ang sasali sa bawat laro ayun na din sa kusang pagpapatala ng kanilang pangalan sa bawat larong gusto nilang salihan. Ninais nang pangkat na ang bawat isa sa kanila ay makapaglaro.
Nagsalu-salo din ang buong pangkat sa kanilang meryenda at habang nagpapahinga ay gumawa ng kanilang banner.

PULA!
Gumawa din sila ng sariling cheer para sa pangkat. Pinagtulungan ng mga bata ang paggawa ng kanilang sariling cheer. Nag-isip sila ng awit na alam ng lahat at pinalitan ang titik nito upang umakma sa Palaro. Ito ang kanilang nagawa:
P! U! L! A!
Pula! Pula! Pula!
Panalo Pula!
Kayo ay matatalo
Kami ay mananalo
Pula! Pula! Pula!
Kami ay mabilis
Kami ay malakas
Kami ay Pula
Pula! Pula! Pula!
Naging inspirasyon din nila ang panahong maulan sa paggawa ng awit na ito:
(sa saliw ng awiting Maliliit na Gagamba)
Mabibilis na Pula
Laging masaya
Dumating ang ulan
Masaya pa rin kami
Malalakas na Pula
Laging nauuna
Dumating ang iba
Panalo pa rin Pula!
Naging napakasaya ng ensayo at kapanapanabik ang Palarong Pinoy.
Handa na ang lahat at handa na ang PULA!
Ako ay Pilipino. Ipinagmamalaki Ko!
Iyan ang isinigaw ng mga mag-aaral ng Nest Grade School sa pagdiriwang ng Buwan ng Lahing Pilipino noong Agosto.
Layunin ng pagdidiwang ang mga sumusunod:
- magkaroon ng pagkakataon gamitin at mahalin ang sariling wika;
- makilala ang mga natatanging Pilipino;
- makilala ang kultura ng ating lahi tulad ng ating sariling sining at panitikan, pagkain, kasuotan at atbp.;
- ipagmalaki ang mga produktong sariling atin;
- magbaliktanaw sa ating kasaysayan; at
- ipagmalaki ang pagiging Pilipino.
Naging napakaikli ng buwan ng Agosto upang ipagdiwang ang pagiging Pilipino. Ang mga sumusunod ay ang aming nagawa sa maikling panahon:
1. Pagkakaroon ng Adarna Book Fair
2. Pagbabaybay sa Pilipino
Ayon nga kay Dr. Jose Riza, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.”
Sa buwang ito, hinikayat ang paggamit ng wikang pambansa sa karamihan ng mga klase, pati na sa Science. Hindi lang pagsasalita ang pinagtuonan pati na rin ang tamang pagbabaybay kaya nagkaroon ng paligsahan sa pagbabaybay.Naging napakasaya ng pagbabaybay ng Una hanggang Ikatlong baitang dahil nagbaybay sila ng pangkatan. Naging kapanapanabik naman sa Ika-apat at Ikalimang Baitang dahil isahan ang paligsahan. At ang mga nanalo ay sina:
Unang Baitang: PanchoLegaspi, Gabby Salcedo, Mackoy Arrizabal, at Miggy Exmundo
Ikalawang Baitang: Dex Mesina, Josh Natividad, Aki Sambile at Carlo Ronquillo
Ikatlong Baitang: Yeshua Cuaresma at Gabbie Garcia

Ika-apat na Baitang: Bea Zamora
Ikalimang Baitang: AJ Natividad
3. Tagisan ng Kaalaman sa Sibika
Nagkaroon din ng tagisan ng kaalaman sa Sibika o mga kaalaman sa pagiging tunay na Pilipino. Nagtunggali ang mga pinaghalong pangkat ng Una at Ikalawang Baitang. At ang nanalo ay pangkat nina Zach Hizon (Gr.2-Lawin), Nathan Bufi (Gr.1-Maya) at J Bermudez (Gr.-1-Maya).

Ang mga nagwagi sa Una at Ikalawang Baitang - J, Zach at Nathan
Naging kakaiba naman ang tagisan ng mga pangat ng Ikatlo hanggang Ikalimang Baitang dahil sila ang nagtatanong. Sinasabi ng guro ang sagot at pabilisan silang magsabi ng tanong na akma sa nasabing sagot. May apat na kategorya (tao, bagay,pook at petsa) ang mga sagot. Ito ay hango sa larong Jeopardy.

Ang mga nagwagi sa Ikatlo, Ika-apat at Ikalimang Baitang - JR, Enrico, Sofia at Tracy
4. Lakbay-aral sa Ayala Museum
Upang lalong makilala ang kasaysayan ng ating lahi, nagpunta ang buong Grade School sa Ayala Museum. Doon namin nakita ang mga 60 diorama na nagpapakita ng ating kasaysayan simula ng pagkatuklas ng mga bungo at labi sa kweba ng Cagayan Valley hanggang sa People Power1.



Ang mga Loro at Kalaw
Ang Ikatlo hanggang Ikalimang Baitang ay napahintulutang makaakyat sa ika-apat na palapag at nakakita ng mga sinaunang kagamitan tulad ng damit, banga, palamuti at marami pang iba. Naging paborito ng lahat ang mga kamangha-manghang kagamitang gawa sa ginto.
Kami ay lubos nagpapasalamat sa mga magulang na tumulong sa aming pagpunta sa Ayala Museum.
5. Paligsahan sa paggawa ng poster
Ayon sa tema, ang bawat bata ay gumawa ng poster o karatula. Pumili ang mga guro ng Preschool ng pinakamalikhain at pinakamaganda sa kanilang paningin sa bawat baitang. Dapat ang mga bata mismo ang gumawa ng kanilang poster. Naging batayan din ang pagsunod sa tema at pagkamalikhain.
Pinakamalikhain sa Unang Baitang - Dani Jacinto
Pinakamalikhain sa Ikalawang Baitang - Nicolette Del Castillo
Pinakamalikhain sa Ikatlong Baitang - Dylan Palima
Pinakamalikhain Ika-apat na Baitang - Bea Zamora
Pinakamalikhain sa Ikalimang Baitang - Dani Abenojar
6. Pista

Luito, Teacher Vanessa at AR
Nagkaroon ng malinit na palatuntunan noong huling Biyernes ng Agosto. Ang bawat baitang ay nagpakita ng kanilang talento sa pagsayaw, pag-awit at pagsasadula.

Ang Unang Baitang ay nagpakita ng kanilang galing sa pagsayaw.
Ang Ikalawang Baitang ay isinadula ang buhay nina Ninoy at Cory Aquino.

Ang Ikatlong Baitang ay umawit at isinayaw ng may damdamin upang ipakita ang kwento ng mga bayani ng bayan sa saliw ng awiting Bayan Ko.

Ang Ika-apat at Ikalimang Baitang naman ay madamdaming inawit ang Sa Ugoy ng Duyan.

Umawit din ang Ikalawa, Ika-apat at Ikalimang Baitang ng Bayan Ko.
Dito rin pinarangalan ang mga nanalo sa mga timpalak. Nagkaroon din ng masarap na salu-salo ng mga pagkaing tunay na Pinoy na dinala ng bawat bata.
Ipagpapatuloy pa ng mga mga-aaral ang ibang gawaing nagpupugay sa pagiging Pilipino. Ilang piling mag-aaral ang magiging kwentista sa mga nakakabatang mag-aaral ng Preschool. Sila naman ang magkukwento.
Inaasahan na hindi lang sa buwan ng Agosto ipagmamalaki ang pagiging Pilipino, kundi araw-araw!
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan.
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino,
sa isip, sa salita at sa gawa.
(Hango sa lumang Panatang Makabayan)
Para sa iba pang larawan, bumisita sa http://nestmakabayan.multiply.com/photos at sa http://www.flickr.com/photos/teachertina/


